Wala kang sinabi
Walang dapat panindigan
Pagod na magtanong
Na wala rin namang kasagutan
Bakit pa sinimulan kung aalis din lang
Bakit pa nanatili, maiiwan lang na luhaan
Hindi ba sapat
Ano pa ba ang kulang
Saan na ba patungo
Ang buhay na inilaan
Huli na ang pagsisisi
Wala nang mangyayari
Andun ka
Andito ako
Magkaiba ang mundo
Wala palang tayo
